Chapter 3

0 0 0
                                    

Nagising akong sakit ng katawan at lalamunan ang nararamdaman, masakit din ang ulo ko at saka ko lang naalala ang mga huling nangyari bago ako mawalan ng malay

Natapunan ko ng wine si Blanca dahilan para maitulak niya ako sa pool at nalunod, pagmulat ko ng mata ay walang ibang tao maliban sakin pero papano ako napunta dito sa hospital

Ang pagkakaalam ko ay pang VIP ang kwartong ito, may mga nakakabit din sakin na mga tube na naka konekta sa isang machine, normal naman ang pag tibok ng puso ko mabuti naman

Pero papano nga ba ako napunta dito sino ang nag ligtas sa akin?

Maya maya pa ay nakita kong pumasok ang boyfriend ni Blanca, anong ginagawa niya dito?

"Gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito pagkaupo sa stoll na nasa gilid ng hinihigaan ko

"Maayus na ang pakiramdam ko Blake, ano nga palang ginagawa mo dito?" balik na tanong ko sakanya, tinignan ko pa sa likod niya baka kasama niya si Blanca dahil alam kong ayaw niya na makita kaming magkasama

"Kung si Blanca ang hinahanap mo don't worry hindi ko siya kasama, I came here alone at hindi niya alam na nandito ako" nakahinga naman ako ng maluwag, pero hindi dapat ako mapanatag dahil kahit nasaan ako ay may mata ang mag iinang Villanueva

"Bakit?" tanong ko ulit dahil hindi ko maintindhan kung bakit niya ako pinuntahan dito si Blanca ang girlfriend niya at ayaw na ayaw ni Blanca na magkasama kami at alam ni Blake yun kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito?

"What do you mean bakit?"

"Bakit mo ako kailangang dalawin Blake, ikaw ba ang nagligtas sa akin sa pagkakalunod?" umiling siya sa tanong ko na mas lalo kong ikinalito

"Hindi" aniya at biglang hinawakan ang kamay ko agad ko naman iyong binawi dahil alam ko sa sarili ko na mali ang ginagawa niya  "Pero sana nga ako nalang ang nag ligtas sayo sana nandun ako para tulungan ka" ramdam ko ang pag aalala sa boses niya

Mabait si Blake friendly at matulungin hingahangaan ito ng lahat dahil nadin sa katalinuhan at sa personalidad nito na hindi nalalayo sa ama niyang nasa politiko, pero hindi ko maintindhan kung bakit sa dami ng pwedi niyang maging girlfriend ay si Blanca pa na kilala bilang isang bully

"Bakit mo ako kailangang tulungan Blake, hindi kita maintindhan si Blanca ang girlfriend mo hindi ako di ba dapat si Blanca ang tinulungan mo dahil natapunan ko ng wine ang mamahalin niyang damit?" totoo naman diba kung tutuusin dapat nga siyang magalit sakin eh dahil nasira ko ang damit ng girlfriend niya

Pero bakit imbis na magalit siya sakin ay nag aalala pa siya na dapat ay sa girlfriend niyang si Blanca ginagawa

"The truth is, I don't like her Luna" nagulat ako sa sinabi niya, matagal na silang magkasintahan ni Blanca bakit ngayon sinasabi niyang hindi niya ito gusto, tinignan ko siya nang may pag tataka

"It was our parents decision Luna, sila ang may kagustuhan na maging kami ni Blanca ginawa nila yun for the company pinilit nila ang mga Villanueva na bilhin ang kalahating shares to save our company at kapalit nun ay ang ipagkasundo kami ni Blanca" paliwanag niya habang ako ay nakikinig lang sakanya

"It turns out na matagal na pala akong gusto ni Blanca kaya naging pabor sakanila ang deal" dagdag pa nito

"Pero bakit pumayag ka kung hindi mo naman pala siya gusto may sarili ka namang desisyon bakit kailangan mo pang sundin ang gusto ng magulang mo?" Pag tatanong ko pa

"Because they threaten me na itatakwil nila ako sa pamilya, of course sa una ay tumanggi ako we had arguments about that issue but my parents threaten me, mahal ko ang pamilya ko kaya napilitan akong sundin ang gusto nila" mahabang paliwanag nito habang nakatungo sinubukan ulit nitong hawakan ang kamay ko pero gaya ng ginawa ko ay iniwas ko lang din iyun

Yan ang hirap sa mayayaman eh, sila na nga ang mapera pero nagagawa padin nila ang bagay na ayaw ng mga anak nila at dahil pera ang usapan ay ipag pipilitan nila ang kasiyahan ng anak nila sa pan sarili nilang kagustuhan

"Ikaw ang gusto ko Luna unang beses palang kitang makita alam ko nang gusto kita, I like you Luna I really do" may pag susumamong sambit nito ngunit hindi kami pwedi, alam ko hindi siya mahirap gustuhin dahil mabait siya ilang taon nadin kaming magkakilala dahil madalas nga niyang hanapin sakin si Blanca tuwing pupunta siya sa mansyon pero hindi ko alam na may gusto na pala siya sakin

Hindi kami pwedi, mahirap lang ako at mayaman siya at hindi lang yun dahil kamumuhian ako ng pamilya ni Blanca at tingin ko ay ganon nadin ang pamilya ni Blake kaya hindi maaari

"Pasensya na Blake pero hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo, hindi tayo pwedi Blake mas nababagay kayo ni Blanca sa isa't isa sa ginagawa mong ito ay ipapahamak mo lang ako" sambit ko sakanya ng tignan ko siya ay unti unting bumaba ang balikat niya at nawala ang ngiti sa mga labi

Mas maganda na yun para iwasan niya ako, hindi kami pwedi

"Please Luna hayaan mo akong mahalin at protektahan ka, kaya kitang alisin sa kalagayan mo ngayon sa puder ng mga Villanueva just please let me love you" pag mamakaawa niya, nasasaktan ako pero hindi maaari niloloko niya si Blanca at kahit baliktarin man ang mundo at kapatid ko parin ang niloloko niya

"Hindi pwedi Blake pakiusap umalis ka na" sabi ko at ipinagtulakan siya paalis dahilan para mas bumaksag ang balikat niya at napilitang umalis

Saka ako nakahinga ng maluwag ng makaalis na siya ng kwarto, hindi ko lubos maisip na hindi pala totoo ang nararamdaman niya para kay Blanca pero bakit hindi siya gumawa nang paraan kung talagang ayaw niya sa tao

Kahit hindi ko aminin alam ko na may gusto din ako sakanya, mabait siya at matulungin hindi siya mahirap magustuhan, pero mag kaiba ang mundong ginagalawan namin at hindi ako nababagay sa mundo niyang iyun

Natapos ang maghapon na hindi ko manlang nalaman kung sino ang nagligtas sakin sa pagkakalunod, na discharge nadin pala ako at ang sabi ng nurse ay bayad na daw ang mga bills ko sa hospital

Kung sino man ang tumulong sakin, maraming salamat sakanya kung hindi dahil sakanya ay baka wala na ako ngayon at pinag lalamayan na ng inay

Minabuti ko nang lumabas ng hospital at umuwi na pero nag iwan ako ng mensahe sa nurse na sana ay ibigay niya sa kung sino man ang nag bayad sa bill ko, siya rin daw kasi ang nag dala sakin dito at ang sabi ng nurse ay pareho pa daw kaming basang basa, nagpasalamat na ako sa nurse matapos ay nag abang ng masasakyan pauwi ng bahay

Pagkababa ko ng jeep ay ang maliit naming Kubo agad ang sumalubong sakin, barong barong lang ang bahay namin pero dito ako lumaki at nagdalaga, may kalawakan din naman ang lupa namin

Pumasok ako sa gate na gawa sa pinag dugtong na kahoy ng kawayan, sumalubong naman sakin ang mga halaman ni inay na kakadilig lang, mas gugustohin ko pang tumira dito kesa sa mansyon, pagkatapos ng nangyari sakin ay hinding hindi na ako babalik doon kahit na ikagalit pa yun ng madrasta ko wala akong pakealam

Sobra sobra na ang mga pananakit nila sakin at lahat iyun tinanggap ko, pero ngayon napag desisyonan ko nang hindi na bumalik doon

Mas mabuti pang maghanap ng ibang trabaho kesa makisama ako sakanila....... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon